Huwebes, Marso 30, 2017

A God's Disciple
Marella Jane D. Talaga

Cover Photo (2015)



Profile Pictures in 2015








Tagged Post with Marella (2015)

OOTD (2015)


Message sa Wall na may Picture 'nung birthday nya in 2016



Status with Comments (2016)




Picture with friends (2016)


Picture sa Event in 2016



Shared Post in 2017



Message sa FB Wall in 2017


Message ni Tin kay Marella

Marellalalala

"Isang kahanga-hangang tao kung iyong lalaliman ang pagtingin, isang invincible na maituturing dahil nasa likod niya ang Panginoon," -Mark Justine B. Canaria




Child Undecent Labor

"S'ya nga naman!" sabi ko sa kanya (syempre para 'di ny'a mahalata na iniinterview ko s'ya. "Wellibg namin ngayon," sagot naman niya. "E 'di pasabog ka ngayon?" tanong ko.

Hindi nyo maiintindihan ang usapan namin kung hindi ko ipapakilala si Ashiwa ('di n'ya tunay na pangalan) isang cyber sex performer. Bakla siya at kaka-labing pitong taon lang niya nitong Oktubre. Sa murang edad niya na 15, unang naranasan ang mundo ng cyber sex.

"3,500 nga lang ang welling ko," sabi niya. Welling ang tawag n'ya sa kinsenas-katapusan na sahod niya. Magkaka-welling lang siya tuwing cut-off o sa tuwing sasapit ang a'kinse at a'trenta sa bawat buwan.

Habang kinakausap ko si Ashiwa, dumating ang kapatid niya na nasa 2-5 taon, humihingi ng limang piso. "Aba! Ang kapal ng mukha mo, nabigyan na kitang dos kanina," sumbat niya. Kaibigan ko talaga si Ashiwa, kitang kita ko ang pagtatransform niya. Mula sa isang napakaitim na kulay ng balat at kulot- kulot na buhok, ay malaki ang ipinagbago. Humuhulmang babae ang katawan at hitsura ni Ashiwa.

"Umumang ka na rin," sabi niya. "Wes, hindi ko 'yun keri!" sagot ko. "Tanga! Natatakot ka sigurong malamog ang katawan mo, ano? Hindi 'yun ganu'n, pwede mong pekein ang mga foreigner, nagkakapera ka sa keme-keme lang. Tamo si Jestonie (di tunay na pangalan) 100k ang laging winewelling, gawa na ang bahay nila, pero ngayon ata'y 50k lang ang na-welling n'ya. Mahina ang connection e, pero nag rank 3 pa 'yun." Pagpapatuloy niya sa usapan namin.

"Pak! Rank 3 si bakla?" binalik kong tanong. "Oo, at kudaera si bakla sa english tapos malaki pa ang titi ni bakla," sagot niya. (Medyo nagulat ako pero sanay na)

"Ay may mga sites din ba kayo?" tanong ko. "Yes, (sabay gawa ng mannerism niya) sa icams.com ako naumang (umang ang tawag sa nagpeperform) sina Vina ('di tunay na pangalan) ay sa jasmin.com," sabi niya.

"Paano nakaka-awra ang mga foreigner sa site n'yo? May mga account ba 'yun?" tanong ko.

"Oo showts, 'pag may tumunog na parang pinto, naka-private ka na. Ibig sabihin, may foreigner na, na may pera; it's showtime na. Dapat pagkakita nila sa 'yo , tigas na ang nota mo," sagot niya.

Bago tayo magpatuloy, ipapaliwanag ko muna ang mga salitang nagpapagabag sa inyo. Una, ang awra- punta, at ang nota na isang gay language ay para sa ari naman ng lalaki.

"Hindi ka ba natatakot na mahuli o di kaya'y nahihirapan?" tanong ko.
"Ati, walang hulihan ng cyber sa Lucena, may nabalitaan ka na ba? Atsaka 'yung mga pinapagawa sa 'min ng mga foreigner minsan ay parang tanga lang, kakanta, sasayaq, ipanapatutok ang mata mo sa webcam nang walang kurap dapat, nagawa ko 'yun mga 4 minutes, e 'di may 4 dollars ako," sabi niya.

"E paano ang pagbabayad sa inyo? Tanong ko.

"Kagaya nga kanina, 'di ba may account sila? May pera na agad sila sa account nila; nakasave ang credit card nila nila du'n. 'Pag walang pera o di kaya'y bata pa, kini-kick ng admin. Katumabas ng isang minuto na private ka ay 1 dollar." Sagot niya.

"Pinoy 'yung admin?" Tanong ko.

"Hindi ko knows, ang nationality ko kasi sa ic ay Malaysian. Pwede mong ibahin, mas mabenta ang Phipippines, ang kulong nga lang shoted ay madali kang matunton." Sagot niya.

"Ay sa bawat cut-off mo, anong pinakamalaki mong welling?" Tanong ko.

"Ano naka-8k na ako, taglibog talaga ang mga foreigner. 'Pag gabi ako na-umang. 12 hours babad sa computer pero ako, 3 oras lang ang tinatapos ko. Nakakatamad minsan. 

"May balak ka pang mag-aral?" Tanong ko.

"Ahm, awan ko lang." Sagot niyang tila umiiwas.
Liham para sa Pangulo ng Pilipinas

Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte, 

Magandang buhay! Sumainyo ang kapayapaan. 

Sumainyo ang kapayapaan sa kabila ng mga umuugong na isyu na sangkot sa inyong administrasyon. At nawa'y mapasakanila din, sa mga taong pakiramdam ay naapi, sumakanila ang kapayapaan. 

Lumagpas na sa 6 na buwan ang inyong pamamahala, binabati po kita. Lumagpas na ang palugit na anim na buwan sa inyong pangako. Kailangan ho bang ang spokeperson n'yo ang pagpaliwanagin namin ukol dito? 

Hayaan nyo po akong bumalik sa mga araa bago sumapit ang Mayo 'nwebe.' Hinangaan ko ang inyong mga ads, hinangaan ang paraan ng talumpati at debate, hinangaan ko inyong kampanya; at ang inyong pangakong pagsugpo sa krimen ay hindi ko lang basta hinangaan, walang duda ako'y nagduda. 

"Tatlong b'wan wala ng droga sa bansa," mga katagang inyong sinambit. Ngayon ho sana ay 'wag n'yong sabihing isa itong taktika sa pulitika dahil alam ko na isa itong malinaw taktika. 

Sa paggamit ko ng 'circular reasoning' sa pagbuo ng talumpati ko, ay s'ya rin naman pong pagpapaikot n'yo sa bansa na parang 'tsar' (pakihanap na lang po sa dictionary) Ligtas ho 'di ba sa Davao? Ang lugar na dati ninyong pinamamahalaan, isa nga ho iyan sa nagpasikat sa inyo. Pero alam ko naman po na ang hangarin n'yo sa bansa, ay ang gawin itong ligtas. 

Pabor po ako na sugpuin ang droga, lalo na sa loob ng 3 buwan, na naging anim na buwan, na dahilan upang magbitiw ang hepe ng kapulisan, na hindi n'yo naman ho pinayagan. Ngunit hindi ho sagot ang krimen sa pag-sugpo din sa krimen. 

"Nanlaban," pumasok na po iyan sa 'inner ear' ko at nagsilbi ng isang tipikal na alibi ng kapulisan. Grabe naman ho kayong magbaby at magspoil ng mga pulis. Magtatag ho kayo ng Martial Law? Yieh, gusto ninyo po ano? 

Pagbukas ko po ng TV sa tuwing 'alas sais imedya' ng gabi, may balitang nakabulagta, nakaengkwentro raw ng mga pulis. Nawa'y mapasakanila rin ang ibinigay ko po sa inyong kapayapaan, Mahal na Pangulo. 

Lubos na Gumagalang, 
Mark Justine B. Canaria

Miyerkules, Marso 1, 2017

You for HUMSS

Isang 'trend' sa mga mag-aaral ng HUMSS (Humanities and Social Sciences) strand ang mga katagang "ayoko sa Math." 

'Pag matagumpay mong natapos ang iyong Junior High, ay pupunta ka ng may ngiti sa labi patungong Senior High sapagkat may 20,000 na halaga ng voucher ang ilalaan sa 'yo ng pamahalaan. May pagkakataong makapag-aral ka sa pribadong paaralan, kaya 'wag mo namang palampasin ang pagkakataong maging HUMSS student. (Base sa aking karanasan

Hindi ko naman pakay na siraan ang ibang strand, ngunit pag nag-STEM ka, tila unti-unting mauubos ang hibla ng buhok mo sa hirap ng mga asignatura doon. At may posibilidad ding maubos at masunog ang kilay mo, 'yun ay kung talagang nag-aaral kang mabuti

Kapag naman dumapo ka sa ABM, walang sawang Math ang madaratnan mo. Bukod pa riyan ang pagkukwenta ng perang kahit kailan ay 'di mo naman nahawakan

Kapag TechVoc (Technical Vocational) naman tulad ng BM, mangangamoy kusina ka sa dami ng iluluto. Bukod pa ang pasakit na mga ambagan para sa resipe

Kapag ICT naman, kawawa ang mata mo na laging prone sa radiation. May tiyansa rin na ikaw ay makuba, dahil lagi kang nakaupo. Kawawa naman ang kalusugan mo. 

Pero 'pag nag-HUMSS ka, hindi man gan'on maiiwasan ang mathematics, isa namam itong malaking platform sa napakaraming kurso

Para ito sa mga nais maging guro, pulis, psychologist, broadcaster, manunulat, pulitiko, at napakarami pang iba. Tuturuan ka rin nitong makipag 'socialize.' 

Kaya bago ka pa man dumating sa 'career frustration' gayahin mo ako. Nasa HUMSS, hindi lang dahil ayoko aa Math, kundi dahil dito ako nababagay. At ang pinakahuling maihahabol ko, ay ang hindi dito mabubutas ang bulsa mo. Sa simpleng talento mo, makakasurvive ka, hihinga rin ng maluwag ang voucher mo.