Liham para sa Pangulo ng Pilipinas
Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,
Magandang buhay! Sumainyo ang kapayapaan.
Sumainyo ang kapayapaan sa kabila ng mga umuugong na isyu na sangkot sa inyong administrasyon. At nawa'y mapasakanila din, sa mga taong pakiramdam ay naapi, sumakanila ang kapayapaan.
Lumagpas na sa 6 na buwan ang inyong pamamahala, binabati po kita. Lumagpas na ang palugit na anim na buwan sa inyong pangako. Kailangan ho bang ang spokeperson n'yo ang pagpaliwanagin namin ukol dito?
Hayaan nyo po akong bumalik sa mga araa bago sumapit ang Mayo 'nwebe.' Hinangaan ko ang inyong mga ads, hinangaan ang paraan ng talumpati at debate, hinangaan ko inyong kampanya; at ang inyong pangakong pagsugpo sa krimen ay hindi ko lang basta hinangaan, walang duda ako'y nagduda.
"Tatlong b'wan wala ng droga sa bansa," mga katagang inyong sinambit. Ngayon ho sana ay 'wag n'yong sabihing isa itong taktika sa pulitika dahil alam ko na isa itong malinaw taktika.
Sa paggamit ko ng 'circular reasoning'
sa pagbuo ng talumpati ko, ay s'ya rin naman pong pagpapaikot n'yo sa bansa na parang 'tsar' (pakihanap na lang po sa dictionary) Ligtas ho 'di ba sa Davao? Ang lugar na dati ninyong pinamamahalaan, isa nga ho iyan sa nagpasikat sa inyo. Pero alam ko naman po na ang hangarin n'yo sa bansa, ay ang gawin itong ligtas.
Pabor po ako na sugpuin ang droga, lalo na sa loob ng 3 buwan, na naging anim na buwan, na dahilan upang magbitiw ang hepe ng kapulisan, na hindi n'yo naman ho pinayagan. Ngunit hindi ho sagot ang krimen sa pag-sugpo din sa krimen.
"Nanlaban," pumasok na po iyan sa 'inner ear' ko at nagsilbi ng isang tipikal na alibi ng kapulisan. Grabe naman ho kayong magbaby at magspoil ng mga pulis. Magtatag ho kayo ng Martial Law? Yieh, gusto ninyo po ano?
Pagbukas ko po ng TV sa tuwing 'alas sais imedya' ng gabi, may balitang nakabulagta, nakaengkwentro raw ng mga pulis. Nawa'y mapasakanila rin ang ibinigay ko po sa inyong kapayapaan, Mahal na Pangulo.
Lubos na Gumagalang,
Mark Justine B. Canaria
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento