You for HUMSS
Isang 'trend' sa
mga mag-aaral ng HUMSS (Humanities
and Social Sciences) strand ang
mga katagang "ayoko sa Math."
'Pag matagumpay mong natapos ang iyong Junior High, ay pupunta ka ng may ngiti sa labi patungong Senior High sapagkat may 20,000 na halaga ng voucher ang ilalaan sa 'yo ng pamahalaan. May pagkakataong makapag-aral ka sa pribadong paaralan, kaya 'wag mo namang palampasin ang pagkakataong maging HUMSS student. (Base
sa aking karanasan)
Hindi ko naman pakay na siraan ang ibang strand, ngunit pag nag-STEM ka, tila unti-unting mauubos ang hibla ng buhok mo sa hirap ng mga asignatura doon. At may posibilidad ding maubos at masunog ang kilay mo, 'yun ay kung talagang nag-aaral kang mabuti.
Kapag naman dumapo ka sa ABM, walang sawang Math ang madaratnan mo. Bukod pa riyan ang pagkukwenta ng perang kahit kailan ay 'di mo naman nahawakan.
Kapag TechVoc (Technical
Vocational) naman tulad ng BM, mangangamoy kusina ka sa dami ng iluluto. Bukod pa ang pasakit na mga ambagan para sa resipe.
Kapag ICT naman, kawawa ang mata mo na laging prone sa radiation. May tiyansa rin na ikaw ay makuba, dahil lagi kang nakaupo. Kawawa naman ang kalusugan mo.
Pero 'pag nag-HUMSS ka, hindi man gan'on maiiwasan ang mathematics, isa namam itong malaking platform sa napakaraming kurso.
Para ito sa mga nais maging guro, pulis, psychologist,
broadcaster, manunulat, pulitiko, at napakarami pang iba. Tuturuan ka rin nitong makipag 'socialize.'
Kaya bago ka pa man dumating sa 'career frustration'
gayahin mo ako. Nasa HUMSS, hindi lang dahil ayoko aa Math, kundi dahil dito ako nababagay. At ang pinakahuling maihahabol ko, ay ang hindi dito mabubutas ang bulsa mo. Sa simpleng talento mo, makakasurvive ka, hihinga rin ng maluwag ang voucher mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento