Huwebes, Pebrero 16, 2017

 Photo Essay
GEOMETRY IN ORTHODOX LIFE

Bumabagtas sa isang maduming lipunan na ang mismong kalat ay dulot ng sariling kapabayaan, nakalulan sa isang sasakyan upang makaiwas sa dumi ng walang pag-aalangan sa mga masasagasaan.





Minsan ka na rin bang naging bilanggo sa sarili mong pugon? Iyong minabuting manatili sa apat na sulok ng nakakabaliw na silid sa kabila ng kalayaang ipinagkaloob.




Katulad ng ilusyong ipinapakita ng mga pader na habang lumalayo ay numinipis, ganoon din ang pagliit ng tingin ko sa aking sarili habang pinagmamasdan kang umaalis.







Sa patuloy na pagbabago ng mundo ay saksi ka ba? Alam mo pa ba ang demarkasyon ng industriyalisado at agrikultura?








Tila kinakalawang ang walang katapusang hugis ng bilog. Na sa pulitika ay 'sya ding pagindayog.







Ang iyong tingkad sa kawalan ay nakahahalina. Sa ganda ng iyong kulay, ikaw ay nakakaakit sa mata. Inspirasyon ka ng mga pasibol pa lamang na obra. Nawa sa pagkalat ng dilim ay magningning ka. (Center of my Universe)



Ang iba't ibang kulay ay sumisimbolo sa pagkakawatak-watak. May sari-sariling lalagyan ang bawat antas.






Kung sasalatin ng pantay sa mata, hindi ba't ang iyong hangaring marating ay malapit na? Mahaba-haba man ang lakbayin at mga pagsubok ay nakaamba, tiyak na sa dulo ay isang magandang tanawin ang naghihintay na makita.






Bagama't pantay-pantay na, sa kulay, sa hugis, at haba, ay iba-iba ba din ang nakapunla.







Ano mang hugis ang iyong magawa sa ilalim ng araw, ito ay isang obrang likha. Kung gayun din lamang na ang iyong kilos ay paksa sa iba't-ibang uri ng husga, ipakita ang iyong totoong sarili at isantabi ang kanilang puna.

Auto-Biography: Home Life



Sige na nga,sasabihin ko na kung saan ang eksaktong tirahan ko,226 Prk.1-A, Brgy. Dalahican Lucena City. Ipagtanong mo lang din ako sa mga kapitbahay dahil medyo close naman kami,mga kaanak ko sila. 

Yung bahay namin kamo ay may kusina, may salas, may banyo, at may kwarto.Hindi ka dapat mahiya, sarili naman namin 'yung bahay. 

Pwede mo ring ipagtanong ang mag pangalang Dyesebel Canaria,ang aking mama, Edwin Canaria, si papa, at Zaira Kaye Canaria na kapatid ko naman. Wag mo lang sang pupulaan 'yung favorite place ko, yung kwarto ko na medyo mukhang bodega. 

Wag ka lang sanang saktong pupunta na nag-iinuman sila sa balkonahe. Kasi nga, naiirita rin ako kapag nagiinuman sila doon.Kasi magdadadada ang makuda kong mama. May posibilidad na humantong ang kuda ni mama sa away.

Kaya pagkatapos nilang maginom,siguradong tulog na dapat ako. Pero hindi naman laging ganun, syempre masaya kaming nagdidiwang ng mga selebrasyon katulad ng pasko, bagong taon at Fiesta.Tapos naaalala ko din na nagagawan kami ng remote, masaya yun. 

Madami ding lihim sa bahay ko ,nakatago ang mga balat ng pills doon. Naniniwala kasi ako na mag kakasuso ako at liliit ang muscles ko. At may isa pa, sa kwarto ko unang naranasan ang nasa 4 na beses na french kiss.

Doon din nagmula ang unang relasyon ko sa kapwa ko lalaki. Sa ngayon, masaya naman ako sa buhay ko, pero kagaya ng sinabi ko, katuparan ng mga pangarap ko ang bubuo sa akin.

Auto-Biography: Life with others Naging maayos naman ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko, disiplina ang number one dyan. Yung tipong pag malaki ang kasalanan ko, pinapaluhod ako sa asin at ipapatong sa braso ko ang ihi ng bangka. Yun nga lang dalawang taon ko na silang hindi iniimikan. Pero makapal ang mukha ko na nakasandal pa din sa kanila. Mahirap na nga kami, pinapahirapan ko pa sila. Kaya ayaw ko ring magladlad. Minsan nakokonsensya ako sa pagiging rebellious ko sa kanila. Habang si Papa nagtatrabaho, at si Mama gumagawa ng gawaing bahay, ako naman hindi pa rin sila iniimikan. Magaling si Papa, pag dating sa trabaho, madiskarte pero hindi tuso. Kahit na 5-7 libong piso lang ang tingin kong kinikita niya kada buwan, nagagawan pa rin nila ni Mama ng paraan ang aming kakulangan. Masaya ang mga araw na bata pa ako. Batak sa paglalaro sa kalye, tanging ang uwi na lang ay para kumain, maligo, at matulog. Tapos, pag kalaro ko pa ang tiyo PJ ko, mas lalo akong nagiging bakla. Marunong nga akong umi-split at mag one-leg nung bata ako na tanging gawaing bakla lang sa mata ng marami. Katulad nga ng sabi ko sa Calayan ako nag-aaral ngayon, na isang pribadong paaralan. Pero nagmula ako sa pampublikong paaralan. Dahilan para mas maging masigasig akong makatapos. Kahit mula ako sa public school, english ang favorite ko at nagkataong di naman ako magaling sa science. Dahil nga President ako ng isang organization, active ang tingin ko sa sarili ko, lalo na nung nasa JHS ako. Ang ibig kong sabihin kahit active ako sa mga social org, 'di ako sikat at 'di rin ako pasikat. (Parang seryoso, pero hindi) At maikwento ko lang aa inyo, kaya siguro naging president ako dahil sa speaking talent ko. At dahil na rin sa experiences ko. Ikaw ba naman dalawang taon naging Vice President ng SSG kasabay ng pagiging President ng SamFil at isang taon na pagiging pangulo ng SSG at ng Lucena Federation. Speakinh of experience, wala pa talaga akong experience sa sex, swear. Virgin pa ako, pero, naa-attract ako sa crush ko when it comes to sex. Well, maiba ako, si Byron ang bestfriend ko for almost 11 years. Kahit na madami akong nilalagyan ng label as 'bff' s'ya ang pinaka totoo sa lahat. Si Byron, kasama din yan sa mga mahahalagang nangyaribsa buhay ko. RSPC sa Cavite, minsan pumaparty sa school at kung ano-ano pa.
Auto-Biography: Inner Life Kasalukuyan akong nag-aaral sa CEFI, Calayan kung tawagin. President ako ng kasalukuyang SC ng Senior High School. Nagpa-function naman, oo, nagpa-function. Kahit na nasa mataas akong posisyon ay 'di naman ganun kataas ang IQ ko, parang average lang, malawak lang talaga ang imagination ko. At dahil nga sa president ako, sanay akong maging dominant pero marunong din naman akong maging submissive. May nagkaroon pa nga sa akin ng tampo dahil "bossy" daw ako. Ang 'di nya alam s'ya ang "bossy" kaya ginantihan ko. Wala ata syang common sense e. Well, magulo talaga ang buhay. Kaya nga pag nagkakaproblema ako, nade-depress ako, pero pag di na talaga kaya "chill" lang. Ganan ako sa halos lahat ng aspeto ng problema. Kahit pa magulo ang buhay, sigurado naman ako na marunong akong kumanta, mag-inarte (acting) at ang tumayo sa maraming tao ay magsalita ng may confidence. Yaman nga lang, 'di ako biniyayaan ng talento sa pagsayaw. Isa pa sa nagpapagulo sa buhay ko ay 'yung hindi ako gusto ng taong gusto ko rin. Pero sisiguraduhin ko sa kanya na magiging isa akong sikat na broadcaster at hahayaan ko lang s'yang manghinayang. (Lakas!) Pag usapang sex naman, 'di active, virgin pa ako. Pero ganun pa man, ilusyon ko ang pakikipagtalik sa crush ko. Yung tipong nakita natin sa 'Fifty Shades of Grey.' May tatlong klase ako ng taong inaayawan. Sinungaling, manloloko, at di marunong magmahal. Wala lang, gusto ko lang. At takot akong mamatay, lahat naman-takot. Lalo't 'di natin alam kung paano tayo mamamatay. Siguro pag namatay ako, may tatlong bagay akong dadalahin sa hukay para ibaon, ang pride, sarili, at ang sistema ng maduming sistema ng pulitika sa bansa. At pagkaharap ko na ang Diyos sa langit, ipapanalangin ko na mapatawad ako ng mga taong nasaktan ko, tulad ni Mama at Papa na 'di ko pa din iniimikan ngayon; bigyan ng maayos na pamumuhay ang pamilya ko, at bigyan ng pera. Balik tayo sa usapang sex, favorite ko 'to e. Minsan may nagtanong sa akin kung virgin pa ako. "Oo naman," ang sagot ko. Pero kung bibigyan ako ng chance sa gwapo, keri lang. Lalo na pag matcho at di mabalahibo. Pero ang pinaka ayoko ay ang makipagtalik sa babae. Yuck! At mas lalo na sa hayop.

Auto-Biography: Physical Aspect Kilala ako sa tawag bilang Justine Canaria, pero ang di alam ng nakakarami na may Mark pa ako, na nagpapatingkad ng aking pagiging lalaki. Pagsilang aa akin noong June 14, 1999, di pa alam nina Mama na babae ang puso ko. At sa edad kong 17, di pa rin alam nina Mama kung gaano ako ka-proud sa kung anuman ang preference ko, dahil 3/4 akong Bicolano at 1/4 na tagalog; at takot akong ma-disappoint sila. Sabi ng iba, sexy daw ako lalona pag naglalakad. Sa tambok kasi ng p'wet ko, nadadala ang paglalakad ko. Malakas naman ako, batak sa paglalaro sa kalye e. Yung mga larong tumbang preso, tsi-tsu, taguan at madami pang iba. Nangyari nga lamang, na bakla ako kaya kailangan kong maging mahina minsan para maging isang babae sa mata ng iba. Umaabot na nga ako sa point na ayaw ko ng magbuhat ng mga timbang may lamang tubig. Wala akong sakit, kahit laganap na ang HIV. Di' ko pa naman nararanasan ang makipag-sex e. In short, virgin pa ako. Ang natatandaan ko lang, nadapa ako nung bata ako at pumutok ang ulo dahilan para tahiin ang nasa bandang noo ko. Medyo social climber ako, pero namana ko ata ang ugali nina Mama at Papa na 'wag maging pasal, yung tipong pupunta ng bertdeyan nang 'di naman nai-invite. Atsaka baka sabihin ng iba, bakla na nga, patay gutom pa. Ganun talaga ako, dumedepende sa sinasabi ng iba. Naranasan ko nang manigarilyobat uminom ng alak. Nung minsan nga sa bertdey ng kaibigan ko, umuwi akong lasing pero 'di ko pinahalata, mga bandang alas nwebe ng gabi. Kaya natulog na ako dahil baka mahalata pa nila. Pag droga naman, nako ayoko, nakakatakot kayang matukhang. At ayoko talagang i-try, kasi nga, kailangan kong alagaan ang sarili ko. Para pagdating ng future, kaunti na lang ang aayusin babae na ang katawan ko. Ang ayoko sa lahat ay yung kikilitiin ako, nakakasira ng postura. Kahit na sabihing biro lang 'yun, nako nagbibiro din naman ako, pero verbal naman, kaya dapat verbal din ang gawin nila. Katulad nga ng sinabi ko kanina, matambok 'yung pwet ko. Compliment talaga para sa akin kahit minsan nakakabastos na yung pagpuna nila sa p'wet ko. Sa pangangatawan, maliit akong tingnan pero 5'2 ang height ko. Medyo nagiging mabigat na ako sa 45 kilos na weight ko ngayon, kaya mas prefer ko na maglaro ng volleyball para mas maging physically fit. Mukha namang maayos pa ang buhay ko ngayon: sa kalusugan, sa pangangatawan, at sa estado. Ang isa't huling kahilingan naman para mas maging maayos ang buhay ko, ay ang katuparan ng mga pangarap ko.

Malikhaing Sanaysay Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Nagmula ang sanaysay sa dalawang salitang sanay at pagsasalaysay. Isa itong panitikanh tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon at iba pang manunulat hingil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu. Ang sanaysay ay maituturing din na talambuhay, sapagkat ito ay isang anyong pampanitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Naglalayon ang sanaysay na ipakita ang hubad na katotohanan na dating di umiiral s ating kasaysayan. Nagsilbi itong isang payapang rebulusyon sa panahon ng mga mananakop at diktador. Sinasabi rin na ang sanaysay bilang anyong pampanitikan ay ang huling nakakita ng liwanag sa larangan ng panitikan. Naging isyu sa kasaysayan ang pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng mga sanaysay tulad ng El Filibusterismo na kumukondena sa mga prayle na nagdala sa kanya sa kamatayan. May dalawang uri din ang sanaysay, ang pormal at di-pormal. Ang pormal ay sinasabing impersonal o siyentipiko, sapagkat nakakakuha ng impormasyon mula rito ang mga mambabasa. Ang mga impormasyong nakapaloob dito ay buhat sa isang maingat na pagtitimbang. Samantalang ang di-pormal naman ay tinatawag na personal o pamilyar, sapagkat ipinapakita nito ang katauhan at personalidad ng may akda. Kung susumahin, ang katangian ng sanaysay bilang anyong pampanitikan ay 'flexible' sapagkat ito ay maluwag at umaangkop Samantala, ang blog na iyong binabasa tulad ng ginawa ko ay isa ring sanaysay, sapagkat nagpapahayag ito ng damdamin batay sa sariling karanasan ng isang tao. Nagpapasalamat ang may akda, sa mga sumusunod na sites na naging dulugan ng impormasyon;
http://henzcabrejas.blogspot.com/2013/02/sanaysay.html

Arts for Human Rights Kamakailan lamang, December 10, taong 2016 ay ipinagdiwang ang Human Rights Day. Kasabay nito ay ang napakaraming kilos-protesta sa bansa. Pero iba ang dinaluhan ng mga mag-aaral ng Calayan Educational Foundational Incorporated (CEFI) Lucena, Grade 11-HUMSS (Humanities and Social Sciences) students. Mga bandang 'alas otso' ng umaga, nagsimula ng magkumpol-kumpol ang tatlong seksyon ng HUMSS ng CEFI sa tabi ng Pacific Mall Lucena, sila ang Daguio, Benitez at Dela Costa. May napansin ang isang estudyante mula sa Daguio, parang wala naman daw magaganap na event malapit roon. Maya-maya pa ay tila may isang grupong naglakad patungong Metro Gaisano (kalapit na mall ng Pacific) na sinundan ng lahat. Napa "shet" 'yung isa dahil sa wakas daw ay natagpuan na nila ang venue. Pagdating mo sa venue ay makikita mo ang tatlong participants ba nakaupo roon habang ang isa ay nagpapa-face paint. Ang tent na sinilungan nila ay may pangalan sa taas na 'Don-Don Alcala.' Maya-maya pa ay umimik na ang isa sa organizers, humihingi ng sorry dahil late daw sila at ang sumunod na linya ay pagaalsa-balutan ng mga mag-aaral patungong event center ng Pacific, air conditioned doon. Mag 'aalas onse' na ng tanghali ng nagsimula ang programa. Iba ang dinaluhan ng mga CEFI students, isang parang mini-concert. Mini-concert dahil napakaraming kumanta, nag-spoken word at may nag-rap din. Pero pagkatapos nito ay pinag lunch-break sila at babalik ng ala-una. Sa hapon ay ibang-iba ang pangyayari, pagsapit ng ala-una, may nagpe-play na isanh pelikula. Barber's tale ang pamagat, tungkol daw ito sa panahon ng Martial Law. Sa unang parte ng pelikula, tumatawa ang ibang estudyante, pero habang tumatagal, gumugulo ang ayos ng upuan at umuunti sila. Pagkatapos na pelikula, may mga performances muli. May nag-rap pero ang talagang nagpahaba ng oras at kumain nang halos dalawa pang oras ay ang mala-symposium na talk. Nagsama-sama sa isang pagtitipon ang iba't ibang organisasyon, Anak ng Quezon, EU Bahaghari, Anakbayan, atbp. Nang makapanayam ang self-claimed at mukha naman talagang political adviser ng Anakbayan na ang tawag ay Sir Herman ay ipinakita nya ang posisyon ng Anakbayan sa tintawag na EJK ni Pangulong Duterte, oposisyon daw sila pagdating sa ganitong usapin. Pero pinahabol n'yang marunong din nan silang maka-appreciate sa mga mga magagaandang pograma ng administrasyon. Mag bandang 'alas sais' ay magka-canle lighting at may mangila-nngilang estudyante na lang ang natitira. Sa pagsindi ng kandila ay hudyat na para isigaw ang itinutong yell sa taas, sa may event center. "Say No! Ayoko chu chu chu..." Matutukoy sa yell na ipinaglalaban ng mga nagcandle lighting and pay ayaw sa martial law. Tinungo na nila ang overpass sa Quezon High at West 1. Mag aalas syete na nang matapos ang candle lighting, 6:37 to be exact. May iniwang artwork sa taas ng overpass at may ilan ding vandalism.

Lunes, Pebrero 13, 2017

TAKLUB


Taklub (Trap) Mula sa sariling pamagat ng pelikula, tila na-trap sa kamangmangan ang mga mag-aaral ng Calayan Educational Foundation Incorporated (CEFI), dahil matapos ang pelikula, humihiling pa sila ng "ending," 'yung happy ending kahit na isang Indie Film ang napanood nila na tunay na sumasalamin sa katotohanan ng pangkaraniwang buhay ng tao. Pero ang pagkatrap na ito ay tila napalitan ng pagkasabik matapos may isang babae na nagsabi na dadating daw ang direktor ng pelikula, ang sikat na si Direk Brillante Mendoza. At makalipas ang ilang sandali ay tuluyan nang nawala sa trap ang mga Senior High School ng CEFI dah nasulit na ang isangdaan at limampung pisong bayad sa pelikulang indie sa pagdating ng direktor; selfie doon, selfie dito may pang-post na sila sa mga sociak media sites. Pero bigla akong nabagabag habang isinusulat ko ito, dahil sarili ko na rin pala ang tinutukoy kong na-trap. Matapos ang bagyong Yolanda ay makikita sa pelikula ang wasak-wasak na mga ari-arian, dahilan upang tumira ang ilang tao sa tent city kung tawagin. Isa na ang pamilya ni Mang Renato, na hindi pa man nakakabangon ay nasunugan at namatayan muli. Gan'an ka ironic ang buhay. Ganun pa man, walang ngiming ipinakita ni Mendoza ang katotohanan, walang happy ending at walang ending ang buhay bukod sa kamatayan. Walang halong mainstream at 'di nababalitaang humakot ng daang milyon bukod ang mga International Award. Gan'an ipinakita ni Mendoza ang passion na sumisilakbo sa kanya. Habang umaarangkada ang pelikula, nanalamin ang katotohanan. May namamatay na mahalagang na mahalagang parte ng pamilya, may nawawalan ng pananampalataya, at pag-asa, at may ilang wala talagang pakialam. 'Yan talaga ang buhay, walang magagawa, basta't naitakda na ng tadhana. Sa pelikula, madami kang maa-absorb sa iba't ibang perspektiba at sa mga totoong karakter. Walang pagba-balatkayo, walang mainstream, walang kaplastikan, at walang pantasya. 'Yan ang Indie Film, intindi ko na. Wala akong masasabi sa pelikula, pero para sa katulad kong kabataan, panahon na para buhayin ang tunay at totoong pelikula.