Auto-Biography: Home Life
Sige na nga,sasabihin ko na kung saan ang eksaktong tirahan ko,226 Prk.1-A, Brgy. Dalahican Lucena City. Ipagtanong mo lang din ako sa mga kapitbahay
dahil medyo close naman kami,mga kaanak ko sila.
Yung bahay namin kamo ay may
kusina, may salas, may banyo, at may kwarto.Hindi ka dapat mahiya, sarili naman
namin 'yung bahay.
Pwede mo ring ipagtanong ang mag pangalang Dyesebel
Canaria,ang aking mama, Edwin Canaria, si papa, at Zaira Kaye Canaria na kapatid
ko naman. Wag mo lang sang pupulaan 'yung favorite place ko, yung kwarto ko na
medyo mukhang bodega.
Wag ka lang sanang saktong pupunta na nag-iinuman sila sa
balkonahe. Kasi nga, naiirita rin ako kapag nagiinuman sila doon.Kasi magdadadada
ang makuda kong mama. May posibilidad na humantong ang kuda ni mama sa away.
Kaya
pagkatapos nilang maginom,siguradong tulog na dapat ako. Pero hindi naman laging ganun, syempre masaya kaming nagdidiwang ng mga selebrasyon katulad ng
pasko, bagong taon at Fiesta.Tapos naaalala ko din na nagagawan kami ng
remote, masaya yun.
Madami ding lihim sa bahay ko ,nakatago ang mga balat ng
pills doon. Naniniwala kasi ako na mag kakasuso ako at liliit ang muscles ko. At
may isa pa, sa kwarto ko unang naranasan ang nasa 4 na beses na french kiss.
Doon
din nagmula ang unang relasyon ko sa kapwa ko lalaki. Sa ngayon, masaya naman
ako sa buhay ko, pero kagaya ng sinabi ko, katuparan ng mga pangarap ko ang bubuo
sa akin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento