Auto-Biography: Life with others
Naging maayos naman ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko, disiplina ang number one dyan. Yung tipong pag malaki ang kasalanan ko, pinapaluhod ako sa asin at ipapatong sa braso ko ang ihi ng bangka. Yun nga lang dalawang taon ko na silang hindi iniimikan. Pero makapal ang mukha ko na nakasandal pa din sa kanila. Mahirap na nga kami, pinapahirapan ko pa sila. Kaya ayaw ko ring magladlad.
Minsan nakokonsensya ako sa pagiging rebellious ko sa kanila. Habang si Papa nagtatrabaho, at si Mama gumagawa ng gawaing bahay, ako naman hindi pa rin sila iniimikan.
Magaling si Papa, pag dating sa trabaho, madiskarte pero hindi tuso. Kahit na 5-7 libong piso lang ang tingin kong kinikita niya kada buwan, nagagawan pa rin nila ni Mama ng paraan ang aming kakulangan.
Masaya ang mga araw na bata pa ako. Batak sa paglalaro sa kalye, tanging ang uwi na lang ay para kumain, maligo, at matulog. Tapos, pag kalaro ko pa ang tiyo PJ ko, mas lalo akong nagiging bakla. Marunong nga akong umi-split at mag one-leg nung bata ako na tanging gawaing bakla lang sa mata ng marami.
Katulad nga ng sabi ko sa Calayan ako nag-aaral ngayon, na isang pribadong paaralan. Pero nagmula ako sa pampublikong paaralan. Dahilan para mas maging masigasig akong makatapos. Kahit mula ako sa public school, english ang favorite ko at nagkataong di naman ako magaling sa science.
Dahil nga President ako ng isang organization, active ang tingin ko sa sarili ko, lalo na nung nasa JHS ako. Ang ibig kong sabihin kahit active ako sa mga social org, 'di ako sikat at 'di rin ako pasikat. (Parang seryoso, pero hindi)
At maikwento ko lang aa inyo, kaya siguro naging president ako dahil sa speaking talent ko. At dahil na rin sa experiences ko. Ikaw ba naman dalawang taon naging Vice President ng SSG kasabay ng pagiging President ng SamFil at isang taon na pagiging pangulo ng SSG at ng Lucena Federation.
Speakinh of experience, wala pa talaga akong experience sa sex, swear. Virgin pa ako, pero, naa-attract ako sa crush ko when it comes to sex.
Well, maiba ako, si Byron ang bestfriend ko for almost 11 years. Kahit na madami akong nilalagyan ng label as 'bff' s'ya ang pinaka totoo sa lahat.
Si Byron, kasama din yan sa mga mahahalagang nangyaribsa buhay ko. RSPC sa Cavite, minsan pumaparty sa school at kung ano-ano pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento