Auto-Biography: Inner Life
Kasalukuyan akong nag-aaral sa CEFI, Calayan kung tawagin. President ako ng kasalukuyang SC ng Senior High School. Nagpa-function naman, oo, nagpa-function. Kahit na nasa mataas akong posisyon ay 'di naman ganun kataas ang IQ ko, parang average lang, malawak lang talaga ang imagination ko.
At dahil nga sa president ako, sanay akong maging dominant pero marunong din naman akong maging submissive. May nagkaroon pa nga sa akin ng tampo dahil "bossy" daw ako. Ang 'di nya alam s'ya ang "bossy" kaya ginantihan ko. Wala ata syang common sense e.
Well, magulo talaga ang buhay. Kaya nga pag nagkakaproblema ako, nade-depress ako, pero pag di na talaga kaya "chill" lang. Ganan ako sa halos lahat ng aspeto ng problema.
Kahit pa magulo ang buhay, sigurado naman ako na marunong akong kumanta, mag-inarte (acting) at ang tumayo sa maraming tao ay magsalita ng may confidence. Yaman nga lang, 'di ako biniyayaan ng talento sa pagsayaw.
Isa pa sa nagpapagulo sa buhay ko ay 'yung hindi ako gusto ng taong gusto ko rin. Pero sisiguraduhin ko sa kanya na magiging isa akong sikat na broadcaster at hahayaan ko lang s'yang manghinayang. (Lakas!)
Pag usapang sex naman, 'di active, virgin pa ako. Pero ganun pa man, ilusyon ko ang pakikipagtalik sa crush ko. Yung tipong nakita natin sa 'Fifty Shades of Grey.'
May tatlong klase ako ng taong inaayawan. Sinungaling, manloloko, at di marunong magmahal. Wala lang, gusto ko lang. At takot akong mamatay, lahat naman-takot. Lalo't 'di natin alam kung paano tayo mamamatay.
Siguro pag namatay ako, may tatlong bagay akong dadalahin sa hukay para ibaon, ang pride, sarili, at ang sistema ng maduming sistema ng pulitika sa bansa. At pagkaharap ko na ang Diyos sa langit, ipapanalangin ko na mapatawad ako ng mga taong nasaktan ko, tulad ni Mama at Papa na 'di ko pa din iniimikan ngayon; bigyan ng maayos na pamumuhay ang pamilya ko, at bigyan ng pera.
Balik tayo sa usapang sex, favorite ko 'to e. Minsan may nagtanong sa akin kung virgin pa ako. "Oo naman," ang sagot ko. Pero kung bibigyan ako ng chance sa gwapo, keri lang. Lalo na pag matcho at di mabalahibo.
Pero ang pinaka ayoko ay ang makipagtalik sa babae. Yuck! At mas lalo na sa hayop.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento