Malikhaing Sanaysay
Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Nagmula ang sanaysay sa dalawang salitang sanay at pagsasalaysay. Isa itong panitikanh tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon at iba pang manunulat hingil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
Ang sanaysay ay maituturing din na talambuhay, sapagkat ito ay isang anyong pampanitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Naglalayon ang sanaysay na ipakita ang hubad na katotohanan na dating di umiiral s ating kasaysayan. Nagsilbi itong isang payapang rebulusyon sa panahon ng mga mananakop at diktador.
Sinasabi rin na ang sanaysay bilang anyong pampanitikan ay ang huling nakakita ng liwanag sa larangan ng panitikan. Naging isyu sa kasaysayan ang pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng mga sanaysay tulad ng El Filibusterismo na kumukondena sa mga prayle na nagdala sa kanya sa kamatayan.
May dalawang uri din ang sanaysay, ang pormal at di-pormal. Ang pormal ay sinasabing impersonal o siyentipiko, sapagkat nakakakuha ng impormasyon mula rito ang mga mambabasa. Ang mga impormasyong nakapaloob dito ay buhat sa isang maingat na pagtitimbang. Samantalang ang di-pormal naman ay tinatawag na personal o pamilyar, sapagkat ipinapakita nito ang katauhan at personalidad ng may akda.
Kung susumahin, ang katangian ng sanaysay bilang anyong pampanitikan ay 'flexible' sapagkat ito ay maluwag at umaangkop
Samantala, ang blog na iyong binabasa tulad ng ginawa ko ay isa ring sanaysay, sapagkat nagpapahayag ito ng damdamin batay sa sariling karanasan ng isang tao.
Nagpapasalamat ang may akda, sa mga sumusunod na sites na naging dulugan ng impormasyon;
http://henzcabrejas.blogspot.com/2013/02/sanaysay.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento