Taklub (Trap)
Mula sa sariling pamagat ng pelikula, tila na-trap sa kamangmangan ang mga mag-aaral ng Calayan Educational Foundation Incorporated (CEFI), dahil matapos ang pelikula, humihiling pa sila ng "ending," 'yung happy ending kahit na isang Indie Film ang napanood nila na tunay na sumasalamin sa katotohanan ng pangkaraniwang buhay ng tao. Pero ang pagkatrap na ito ay tila napalitan ng pagkasabik matapos may isang babae na nagsabi na dadating daw ang direktor ng pelikula, ang sikat na si Direk Brillante Mendoza. At makalipas ang ilang sandali ay tuluyan nang nawala sa trap ang mga Senior High School ng CEFI dah nasulit na ang isangdaan at limampung pisong bayad sa pelikulang indie sa pagdating ng direktor; selfie doon, selfie dito may pang-post na sila sa mga sociak media sites.
Pero bigla akong nabagabag habang isinusulat ko ito, dahil sarili ko na rin pala ang tinutukoy kong na-trap.
Matapos ang bagyong Yolanda ay makikita sa pelikula ang wasak-wasak na mga ari-arian, dahilan upang tumira ang ilang tao sa tent city kung tawagin. Isa na ang pamilya ni Mang Renato, na hindi pa man nakakabangon ay nasunugan at namatayan muli. Gan'an ka ironic ang buhay.
Ganun pa man, walang ngiming ipinakita ni Mendoza ang katotohanan, walang happy ending at walang ending ang buhay bukod sa kamatayan. Walang halong mainstream at 'di nababalitaang humakot ng daang milyon bukod ang mga International Award. Gan'an ipinakita ni Mendoza ang passion na sumisilakbo sa kanya.
Habang umaarangkada ang pelikula, nanalamin ang katotohanan. May namamatay na mahalagang na mahalagang parte ng pamilya, may nawawalan ng pananampalataya, at pag-asa, at may ilang wala talagang pakialam. 'Yan talaga ang buhay, walang magagawa, basta't naitakda na ng tadhana.
Sa pelikula, madami kang maa-absorb sa iba't ibang perspektiba at sa mga totoong karakter. Walang pagba-balatkayo, walang mainstream, walang kaplastikan, at walang pantasya. 'Yan ang Indie Film, intindi ko na.
Wala akong masasabi sa pelikula, pero para sa katulad kong kabataan, panahon na para buhayin ang tunay at totoong pelikula.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento